

Gabriel Arnado │ I – BS Computer Science │Cebu
“Na-accept na ‘ko noong first batch run, kaso na-forfeit yung slot ko because of some deficiency. Naipasa ko naman yung mga kulang ko tapos hindi lang na-update yung online application. ‘Di ko na-confirm yung slot ko, pero I’m eligible for a slot sa Kalay.
Noong third batch run, Acacia na lang at Cente yung pwede so ‘di na lang ako nag-apply. I tried my luck with appeals. Yung results ng appeal ko: sa Acacia pa rin ako napunta.
Sa [All UP Workers] Union ako nakiki-stay habang wala pang slot sa Kalay. Ngayon, meron na akong dorm slot sa Acacia kaso 6000 pesos, tapos 3000 per month.
Dapat pinapairal natin ‘yung spirit of service dito sa UP. ‘Di yung nakikita ng mga katulad namin na until now, frustrated dahil ‘di sila nakakuha ng dorm. May available din naman na dorm kaso semi-privatized. Sana may spirit of service.”
UPDATE: Gabriel Arnado now resides at Kalay Residence Hall.

Arvin Sicat │ III – BA Broadcast Communication │San Fernando, Pampanga
“This year, nag-apply ako sa second batch [ng dorm applications] pero hindi tinanggap ‘yung aplikasyon ko kasi kulang ako nu’ng Certificate of Tax Exemption. Pinasa ko siya nu’ng sumunod na araw pero hindi siya tinanggap. Hindi ako natanggap nu’ng second batch run, so nag-pass ako ng appeal at nag-apply ako ulit sa third batch. Nu’ng lumabas na ‘yung third batch results, sa Cente ako pumasok, pero hindi ako nag-confirm kasi hinihintay ko pa ‘yung results nung appeal. Du’n ko lang nalaman na hindi pa rin pala lumalabas ‘yung appeal.
‘Pag hindi raw kasi ako nag-confirm sa Cente, mata-tag ako as least priority. So na-pressure akong mag-confirm na sa Cente, unless, wala kaming dorm na matutuluyan. Hindi ibig sabihin na nag-confirm kami, agree na kami na sa Cente kami. Kumbaga umaasa pa rin kami sa resulta ng appeal. Pumunta kami sa Kalay, umaasa sa appeal na wala pa rin. Nu’ng Tuesday, nag-release sila ng results for freshies, 41 slots. Nu’ng Wednesday naman, 73. Du’n ako nag-decide na sumama sa vigil kasi nafe-feel namin na dine-delay nila ‘yung paglalabas ng results. Meron naman palang 73+ slots nu’ng una, bakit hindi pa nila agad nilabas?
Ngayon, habang inaantay ko ‘yung resulta ng apela ko, natutulog ako sa Yakal. Puslit ako sa Yakal. Tuwing gabi, pumapasok ako du’n sa Yakal, pinapatuloy ako ng kaibigan ko. Hindi alam nung guard na hindi na ‘ko residente du’n. ‘Pag nagkakaroon ng bed check, nagtatago ako sa CR para hindi ako makita. Para sa’kin, hindi ‘yun makatao.
‘Yung ginagawa ko, bagama’t alam kong iligal siya, labag ‘yun sa kalooban ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ko deserve ‘yun dahil in the first place, bilang state university, tungkulin ng UP na bigyan ng tirahan ‘yung mga katulad ko.
Umaasa pa rin naman ako na tugunan nila ‘yung pangangailangan naming mga wala pang dorm. Hindi ko alam kung saan ako titira. Ayokong mag-check in sa Cente kasi kapag nag-check in ka sa Cente, pang-isang taon ‘yung pipirmahan mong kontrata.”
UPDATE: After almost a week of protest actions and a dialogue with the officials, the UP administration granted the students’ dormitory appeals, including Sicat’s. He now resides at Ipil Residence Hall

Pauli Roas │ IV – BA Broadcast Communication │Cagayan de Oro
“Pumila ako sa sobrang habang pila sa OSH for four hours. Pagdating ko du’n sa table, parang ‘di man lang nga nila tiningnan ‘yung requirements [na dala ko]. Sabi nila, dahil four years na ‘kong nags-stay sa dorm, ineligible na ‘ko. Hindi naman nila nilagay du’n sa dorm application website na ineligible ako so I went through the process without knowing na hindi na pala ‘ko pwedeng mag-apply. It could have saved me expenses. My parents even sent the documents from home, from Mindanao and it cost money. May TCG pa, nagpa-picture pa ‘ko, ta’s ni hindi pala nila bubuksan ‘yung requirements ko.
Nag-submit ako ng appeal kasi hindi ko nga afford mag-boarding house. Nag-submit ako ng Wednesday, sabi nila by Friday may results na raw. Then it got moved to Monday, to Tuesday, to Wednesday, then to Thursday. Yesterday, nag-release sila ng results ng mga appeal ta’s almost 30 lang ‘yung nabigay nila. Nakita ko sa Acacia, the dorm was bare! Walang nakatira du’n. Why can’t they accommodate these people na wala pang mga dorms? Sobrang dami.
Sobrang daming kagaya ko. Nakikitulog na lang ako sa mga friends ko. I’m lucky I have friends who have boarding houses. Kung wala, edi wala talaga akong matutulugan. I got lucky kasi four years na nga ako. E pa’no ‘yung mga freshies? Kanino sila mags-stay?
OSH sana ayusin niyo. UP, ayusin niyo. Sobrang dami pang nagp-prerog.”

Rojeno Soringa │ III – BS Architecture │Cebu
“Nu’ng midyear pa lang kasi ay nagsimula na ‘yung online dorm application. They promised na ‘yung resulta ay hanggang ganitong date lang at when classes start, meron nang matutuluyan itong ating mga residente. Na-extend kasi nang na-extend ‘yung dorm applications.
So ‘yung mga iskolar ng bayan [na naghihintay ng results], kabilang na ‘ko, ay forced to grab the most convenient option. Maraming pumupuslit na sa ibang dorms, nakikitira sa mga kaibigan nila, maraming sa mga establishment na natutulog.
[Kaya umabot na sa point na sa Sunken Garden ako natulog, kasi] that time, I found it really convenient na maghanap na lang ng place within UP. Wala na ‘kong matuluyan, bitbit ko pa ‘yung mga gamit ko.
Ang demand ng ating mga iskolar ng bayan ay una, immediate na aksyon du’n sa accommodation ng ating mga estudyante, especially those na wala pa ring mapag-stay-an hanggang ngayon. Pangalawa, sana ay maipaliwanag nila kung ano itong nangyayari sa sistema ng dorm applications. Pangatlo, kahit for the meantime man lang ay ibaba ‘yung singil ng ating dalawang semi-private dormitories, namely Acacia and Centennial Dormitories.”
Latest Posts