Union of Journalists of the Philippines – UP

f

Higit sa Ilaw at Haligi

2

Kung dati ay nakakulong sa bansag na ilaw ng tahanan ang papel ng kababaihan, noong Araw ng mga Manggagawa, muli nilang pinatunayang  dapat nang wasakin ang tradisyunal na pananaw. 

Sabay-sabay silang nagbigkisan at nagmartsa para ipakita na ang kanilang tungkulin ay hindi natatapos sa apat na sulok ng tahanan. Dumudugtong ito sa masang Pilipino at tumutungo sila sa lansangan upang lumaban para sa kanilang mga karapatan.

3

Nararapat na may puwang ang mga babae upang makapagtrabaho, tumungo sa kalsada at magpahayag ng kanilang mga adbokasiya. 

Kabilang si Ate Melody sa mga driver at operator ng transport group na PISTON Women na sumasabak sa kalsada at nakiisa noong Mayo 1.

Bilang isang operator, umaalalay siya sa kaniyang kapwa tsuper na apektado ng tumataas na presyo ng petrolyo. Mula sa ₱650, ibinaba niya ang boundary sa ₱400.

4

Si Ate Janet, miyembro rin ng PISTON Women, naging sideline ang pagiging barker ng jeep bilang pandagdag-kita at suporta sa kaniyang pamilya.

Ang boses na siyang tumatawag ng mga pasahero ay siya ring boses na nagpapalaganap ng mga panawagan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at krudo habang nananatiling mababa ang sahod.

5

Sa hanay ng mga kababaihang matapang na nagmartsa sa kalsada, makikitang bitbit nila ang mga tinapay at pagkaing kanilang inihanda para sa mga kasama.

Hindi lamang tapang ang kanilang tangan, baon din nila ang kalinga para sa isa’t isa.

6

Higit pa sa kanilang personal na mga danas at pinaglalaban, nakikiisa ang mga kababaihan sa iba’t ibang organisasyon, tulad ng Gabriela at PISTON Women, upang bitbitin ang kanilang mga kolektibong panawagan para sa pagtaas ng sahod, pagbaba ng presyon ng bilihin, pagtanggal ng Value-Added at Excise Tax, at pagbasura ng Oil Deregulation Law.

7

41.32% ng mga manggagawa ay babae, ayon sa Labor Force Survey ng Philippine Statistic Authority noong Marso.

Higit pa sa pagiging ilaw at haligi ng tahanan — pundasyon din ang kababaihan ng lakas-paggawa.

8

Driver, operator, barker o construction worker — ang mga trabahong ito ay lugar ng mga kababaihang siya ring lakas ng lipunan.

Mula noon hanggang ngayon, patuloy na magbibigkis ang kababaihan upang isulong ang kanilang mga karapatan, sa tahanan man, pabrika, mga terminal ng jeep o sa lansangan.

  • Allyana Barquira

    Allyana Barquira is a Tambuli staffer and the Vice Chairperson for Membership for the Union of Journalists of the Philippines – UP’s 37th year. She is from Batch 23AB – Dagundong.

Loading posts…

Discover more from Union of Journalists of the Philippines - UP

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading